Thursday, September 29, 2011

ISANG ARAW SA NAYON: Ika Dalawampung Yugto;By Bankero

ISANG ARAW SA NAYON: Ika Dalawampung Yugto;By Bankero
Takas sa Paraiso ito ang madalas ko nasasambit. Natatandaan k opa noon ang bahay namin sa nayon, ito ay yari sa kahoy at kawayan, ang bubong ay anahaw at iilang dipa lamang ang layo nito sa ilog. Sa paligid ay nandoon ang ang mga puno ang naparaming prutas na iba-iba na tanim pa ng aking lola na napakasipag sumaka, may abokado, santol, lansones, mangga, anonas, guyabano, bayabas, lipute , tsesa, lukban, dalanghita, atis, duhat, balimbing, granada, langka, yambo, tampoy, talang, makopa, saging, kaymito at meron pang kamatsile meron din kape at kakaw ito ang mga tanim na naka sal-it sa mga puno ng niyog, kaya naman sa isang buong taon ay may mapipitas kang prutas na napapanahon. May mga alaga kaming kabayo, na gamit sa bukid at may mga palakihing baboy, manok na ligaw at naparaming puting bibe na nagsisilbing liwanag sa tabi ng ilog dahil sa kulay nito. Pagkagising mo sa umaga pamumulot ng itlog ang una mong gagawin. Sa gawing kanluran na tanaw sa bintana ay ang aming halamanan na may tanim na gabi, kamote, kamoteng kahoy at mg a gulay bukod pa sa pako na pwede mong pangunin araw araw sa tabi ng ilog. Sa may batalan ng bahay ay tanaw na ang mga paloob,  paktaw at labayan na panghuli ng palos at dalag, nakataan din minsan ang pante kung gabi. Sa likod bahay ay makikita ang mga nilapat na kawayan at mga kinayas na banban at ginihay na nito, gamit ko sa paggawa ng basket at bakiran, ito ang aking pinaka libangan o kung minsan naman ay nagpapalutang ng dalag o naniniksal sa layon o sa lagaslasan. Masasabing isa itong lugar na salat sa karangyaan , subalit para sa akin ito ay isang paraiso, malayo sa ingay, sariwa ang hangin at mababait at magagalang ang mga taga nayon,
At sa paglakad ng panahon, kinailangan kong iwan ang nayon , kagaya ng iba may mga pangarap na marating ang lungsod at makapagpatuloy ng pag-aaral. Masama ang loob ko na iwan ang aming nayon kuntento na sana ako sa buhay dito, ngunit nanaig ang isang pangarap na may malayo pang marating, kung kayat ako ay nakipagsapalaran sa magulong lunsod hangang makatapos sa kolegio. Kagaad ay nagbalik ako sa nayon at naramdaman kong muli ang isang payak , simple at tahimik na pamumuhay. Ngunit sandali lamang iyon at kinailangan ko namang magtrabaho ng naaayon sa aking pinag-aralan, at nag-umpisa ako bilang isang mababang empleyado sa banko, ang gaya nga ng iba gustong marating ang mataas na pangarap, at mula sa ibaba sa pamamagitan ng ng tiyaga at pagsisikap ay narating ko ang itaas. At dumating din yung pagkakataon na makapunta sa ibang bansa na siya ring pinapangarap ng marami, nasambit ko sa sarili ko ano pa kaya, sa paglipas ng panahon malayo-layo na rin ang aking narating, salamat sa Diyos sa pag-gabay niya sa akin, ngunit bakit sa aking pakiramdam ay may malaki pang kulang, hinahanap ko pa rin yun kasimplehan ng buhay, na di gaya dito na palagi kang nakikipag habulan sa oras, halos di kayo nagkikita na magkakapamilya dahil pag- uwi ay tutulog na at yung iba naman ay pumapasok pa at kailangan mong gawin ito para di ka maiwan ng modernong takbo ng buhay. Naisip ko tuloy noong araw wala itong mga kotseng ito, itong mga computer at celphone itong modernong bahay pero mas masarap ang buhay, at nasambit ko sa sarili ang tinakasan kong lugar noon sa nayon ay isang paraiso at nandoon ang hinahanap ko ang simpleng buhay at naipangako ko sa sarili ko pagsisikapan ko na muling makabalik sa nayon at makagawang muli ng isang paraiso, isang payak at simpleng buhay sa nayon para hindi na muling takasan pa.

Saturday, September 24, 2011

ISANG ARAW SA NAYON: Ika-labing-siyam na yugto:By Bankero

ISANG ARAW SA NAYON: Ika-labing-siyam na yugto:By Bankero
Isang araw ng Sabado isinama ako ng aking tiyo sa Talangan kung saan nakatira si Amang na aking lolo dinatnan ko na naghahasa ng kanyang jungle bolo na sabi nya ay gamit pa noon ng opisyal na sundalong hapon, pagkakita sa amin ay kami ay inutusan na umigib ng tubig sa talaga doon sa may Inlulupes, kaya dala na namin ang bumbong , ang tukil at ang Kalo na pang salok sa balon, malayo-layo rin ang igiban halos kalahating kilometro mula sa bahay, nangangalahati na kami ng lakad ng may maamoy kami na masangsang na dala ng hangin, ang sabi ng tiyo ko atangya may tikbalang, masanting ang init ng araw, alingahit ang pakiramdam, itinuloy lang namin ang  aming paglalakad ng aming mapansin na bumabalik lang kami sa iisang lugar at napansin din namin na dun sa lugar na dapat naming daanan ay may puno na nakaharang isang puno ng balite, kabado na ako alam ko inililigaw kami ng tikbalang, matagal din kami  na patuloy na hinanap ang daan hangang sa kami ay mapagod at umupo na lamang sa tabi ng puno, di kawasay dumating si Amang na paika-ika na kung lumakad  bitbit ang kanyang itak at may kung anong nakaputos sa laying, saglit na minalas ang paligid at may kung anong sinambit, pagkabunot ng kanyang itak ay pumutol ng isang maliit na sanga at isinabog ang asin na nakaputos sa laying sa puno ng balite. Pagkatapos ay nagpahatid na sya pabalik sa bahay at pinabalik kami sa pag-igib, maaliwalas na ang daan wala na ang amoy atangya, wala na rin ang balite sa daan, tanging ang kaputol na sanga ang  aming nakita, naisip ko tuloy pano kaya naalis yun puno ng balite sa daan ah mahirap paniwalaan kaya pagdating sa talaga ay uminom na lang ako ng maraming tubig at naligo sa Inlulupes at kami ay umuwi na sa bahay habang nginunguya ko pa ang bunga ng tagbak na aking nakuha.sa bahay isinalin ko ang dala kong tubig sa galong ang kay tiyo naman ay diretso sa tapayan, kinapa ni Amang ang aking leeg may hinahanap, at ako ay tinanong nasaan ang iyong kalmen, ay naiwan kopo  sa bahay, at sabi nya ay sa susunod  palagi mo daladalahin lalo na kung nagsusuot ka sa gubat at hinilingan ko pa sya ang iba pang mga kwento.

At tungkol naman sa bisa ng mga pangil ng hayop ang  aming naging paksa ang una ay ang Pangil ng Duyong o Baboy Dagat, sino man daw ang may bukol saan mang bahagi ng katawan ay asahang hindi magtutuloy kung ito ay guguhitan sa palibot ng bukol gamit ang pangil ng duyong. Ito rin daw ay mabisang sandata sa masasamang hangin at masasamang espirito. Ang sumunod ay ang Pangil ng Ahas ang bisa raw nito kung ito ay nasasa bibig ng isang tao ay tiyak na katatakutan ng mga mababangis na hayop. At ang Pangil naman daw ng Pusang Itim ay mabisa kung ibabaon ang pangil sa gitna ng patukuran ng bahay asahan mo raw na ang bahay ay hindi papasukin ng mga daga at ito rin daw ay lubhang mabisa kung ibabaon sa gitna ng taniman ng palay.  At ang Pangil naman ng Asong Itim kung ito ay ibabaon sa gitna ng linang ay asahang hindi papasukin ng mga hayop na naninira ng nga tanim. Ang Pangil naman daw ng Pagong ay mabisang ibabad sa tubig at ipainom sa taong may sakit na hapo o kung ibababad sa bibig ng may sakit ay madaling gagaling ang karamdaman. Ang kasunod ay Pangil ng Hunyango ang bisa nito kung nasa bibig ng isang tao ay hindi masasawi sa kagat ng makamandag na ahas.  Ang pangil naman daw ng Bayawak kung ibabaon sa gitna ng isang linang ay asahang hindi uubusin ang mga palay ng maliliit na ibon.  At ang huli ay ang Pangil ng Matsing na Lalaki, ito raw ay mabisa na ibaon sa isang bakuran dahil hindi raw matutuyot ang mga halaman.

Moderno na ang panahon ngayon maaring wala nang naniniwala o gumagawa pa ng nga ganitong bagay ang alam ko lamang ay madalas itong maging paksa ng mga kwentuhan sa nayon o pag nagbabarekan ang mga taga bukid, gaya rin siguro ng hangang sa ngayun ang lubid na ginamit sa pagbibigti sa sarili ay pinag aagawan na makuha yun iba ay naghahatihati pa magkaroon lamang dahil ito ay pinaniniwalaang mabisa sa pagnenegosyo di ko lang alam kung ganito rin ang paniwala sa mga karatig bayan. Hangang sa muli po….

Thursday, September 22, 2011

ISANG ARAW SA NAYON: Ika labing-walong yugto;By Bankero

ISANG ARAW SA NAYON: Ika labing-walong yugto;By Bankero
Ang paksa naman natin ngayun ay ang bisa ng mga bunga ng kahoy , ang kwentong ito ay marahil ay naka ilang salin na sa ating kanayunan kaya pasensya na po kung may kakulangan ang istorya.  Isang araw  sa Talangan habang ako ay naglilinis ng baril na de bumba ay tinawag ako ni Amang na aking lolo may iniabot sa akin na maliit na librito, at agad ay tinanong ko Amang ano po  ito, at ang wika nya ay ipatong mo sa puno na may agwat na halos ay kalahating dipa, at pagka kuway binalahan ng hulmado ang debumba, ikinasa at iniabot sa akin at sinabi na itutuk mo sa librito, na sya ko namang ginawa, iasinta mo at iputok sa tapat ng librito, at yun na nga ang ginawa ko, laki ang aking pagkamangha ng makita ko ang bala ng debumba lumapad ang dating bilog na tingga hindi tinalaban ang librito, inusisa ko ang loob ng librito may mga letra na mahirap basahin, tanong ko Amang ano nga po   ito, at ang sagot nya yaan ay mga Orasyon, yan ang nagligtas sa amin sa bala ng mga hapon, at pagkakwan ay ipinatago na sa akin ang librito sa kahon ng pabitera. Nang ako ay bumalik ay nag-umpisa na syang magkwento at inumpisahan sa 
1.       Ang Bunga ng Tarlak- ibabad mo raw sa alak ang bunga ng Tarlak at inumin ito isang beses isang araw,  asahan mo raw na magiging makunat ang iyong balat at hindi tatablan ang kahit anong patalim at kung ito raw naman ay ibabad sa bibig ay asahan na ikaw ay hindi masusunog, ito raw ang gamit ng mga kumakain ng tagayan sa inuman kung hindi man bumibigkas ng latin na orasyon at yun dumadampot ng baga sa kalan.
2.       Ang Bunga ng Pandakaking Itim-ito raw ay mabisang panangalang sa mga taong may maiinit na bibig, at alaw ang mambabarang.
3.       Ang Bungang Kalog- ang bisa nito kung nasa katawan ng isang tao ay asahang  hindi tatamaan ng punglo, magaling sa barilan.
4.       Ang Bunga ng Kalasutse- mabisa raw ipainom ang pinaglagaan ng bunga ng kalasutse sa isang nanganak at mabilis mapanaguli ang dugo.
5.       Ang Bunga ng Kawayang Matinik-asahan mo raw na kapag ikay nakakita ng bunga ng kawayang matinik ay tiyak na lalakas ang hangin o kayay babagyo, noong unang panahon daw na wala pang barometro, ay walang nagiging palatandaan kundi ang paglitaw ng  ng bunga ng kawayan at nalalaman na kung babagyo.  Saglit na naudlot ang pagkukuwento may kinuha sa bulsa isang midalyon na taling abaka ikinuwintas sa akin at ang sabiy ayan wala ka palang kalmen parati mong isuot yan, iniutos nya na kumuha raw ako ng kalamansi at ng masubukan ang sabi ko namay bukas na po Amang at may gagawin pa po ako at ako ay tumalilis na kamas-kamas ang bigay na kalmen. May karugtong pa……

Wednesday, September 21, 2011

ISANG ARAW SA NAYON: Pang labing pitong yugto: By Bankero

ISANG ARAW SA NAYON: Pang labing pitong yugto: By Bankero
Umiba po muna tayong sumandali ng paksa ng kwentuhan, may alam ba kayong mga kwentong aswang, multo, tikbalang at dwende sa ating bayan? Ayon sa mga matatanda huwag daw pabayaang bukas ang pinto ng bahay kapag kumakain ng hapunan, dahil yun daw ang dahilan kung bakit papasok ang aswang sa inyong bahay na nag-aanyong hayop gaya ng baboy, aso, pusa at pwede rin daw ibon at kailangan din daw na palaging may asin sa tabi kung kumakain dahil takot daw sa asin ang mga malign. At ang daanan daw ng mga aswang ay ang mga sumusunod ang kanto ng Avenida at Bonifacio, kaya parati mo maririnig sa kalaliman ng gabi ang mga IK IK at pagaspas ng pakpak ng kung anong ibon at kung minsan nman ay may maaamoy ka na masangsang na amoy na dala ng hangin, sa huling kanto sa Avenidang ibaba doon madalas nakikita ang napakalaking aso na bigla na lamang daw naglalaho sa dilim at ang tulay na malapit sa Hospital, ayon pa kay ma Ito nung nabubuhay pa madalas daw sya magulantang sa hating gabi at nag iingay ang mga pusa sa bubong kasunod na ang mga huni ng IK IK patungo sa tayo ng lumang ospital.

Ang multo naman ay sinasabi na mayroon doon sa lumang palikuran sa Central ayon sa kwento mayroon daw pinatay doon na mag-iina kung kayat madalas naririnig doon ang daing ng isang babae. Sa lumang bahay sa Lirio madalas din pagkatakutan dahil nakikita raw dito ang anyong babae na nakaputi na walang mukha at mahaba ang buhok .

May nasagap din akong kwento sa isang lumang bahay sa mabini ay madalas madinig ang iyak ng isang sangol kahit walang tao sa bahay kaya ang sapantaha ng mga bata ay isa itong tiyanak.

Sa tapat ng dating basurahan sa Talangan sa lilim ng isang malaking puno ng mangga at antipolo, dito naman nakikita ang isang babaing nakaputi na nakalutang ang paa sa hangin at dito rin nakikita ang mga santilmo at isa ako sa nakasaksi ng mga bolang apoy. Ayon kay ma Ano na taga Kabuyew kapag ikaw ay napadasal sa takot ay ikaw ay lalapitan ng santilmo dahil ito raw ay mga kaluluwa na nangngailangan ng dasal.

Ang mga dwende raw naman ay sa silong ng H.E. sa central at dito rin dati naglalagi ang batang taga Alibumbungan na di umano ay kaibigan ng mga dwende, at dun din sa lugar ng mga punso huling nakita ang bata ng ito ay nawala ng ilang araw at ng magbalik ang bata sinabi na gusto raw siyang gawing hari ng mga ito(napalathala ang kwento sa Panorama noon) at napakalayo raw ng kanyang nilakbay bago niya narating ang kaharian ng mga dwende, at ayon pa sa kapatid ng bata bago raw mawala ito ay bagong bili ang sipit na tsinelas na suot nito ngunit ng magbalik ay halos butas na ang swelas sa nipis.
Isa pa sa kinakikitaan ng mga dwende ay ang harap ng simbahang Katoliko. Noon maraming mga tao ang gabigabi ay nag aabang dito at ang iba pay naglalagay ng mga pagkaing matatamis dahil yun daw ang gusto ng mga dwende, marami ding araw na ako ay nagpuyat kahihintay sa pagpapakita ng dwende, may mga nagsabi na nakakita mayroon namang wala raw.

Mga kwentong pwedeng totoo pwedeng hinde ang alam kong totoo ay ito ay pinag-usapan , pinagkwentuhan sa bayan ng Nagkarlan. Itutuloy po..

ISANG ARAW SA NAYON: Ika-labing anim na yugto; By Bankero

ISANG ARAW SA NAYON: Ika-labing anim na yugto; By Bankero
Saan na nga ba tumigil ang kwento, alam ko na sa mga Mutya, hangang ngayon meron pa rin na mga naniniwala sa bisa ng mutya kaya nga may mga nagtatanong kung pano ka mapagkakalooban nito.
17.Ang Mutya sa Suso –alin man daw lalaki ang nagtataglay ng mutya sa suso at makipag usap sa isang dalaga ng nasasa bibig ito ay asahang madaling mapapaibig ang dalaga, ito rin  daw ay kahalintuland ng Mutya sa bayuko.
18.Ang Mutya sa Kawayan- kung ibababad ito sa isang basong tubig at ibasa sa paligid ng mga mata ng isang tao na nais na makipagsugal, ay asahang makikita nito o masisilip ang mga baraha na nakataob at mabisa rin daw itong ipainom sa may sakit na pagkatuyo.
19. Ang Mutya sa Palos- kahiman daw at bidbirin ng tali ang katawan ng isang tao na nagiingat ng nasabing mutya, ay madali itong makakahulagpos o makakaalpas.
Bukod sa mga bisa ng mutya mayron din daw bisa ang mga uri ng kahoy na kadalasan ay sa bundok ng Kinabuhayan maaring matagpuan, sang ayon kay Ka Kardo na taga Dolores isang pator  kapag mahal na araw mga Nagkarlangin ang karamihan sa mga iginigiya nya sa pag akyat sa bundok at karamihan ay nagbabakasakali na makasumpong ng mga uri ng kahoy na sumusunod.
1.       Malindatung Itim-kung daladalahin daw   ng isang tao ang kahoy na ito, ay mabisang gamut o pang lunas ,panglaban sa mga maiinit ang bibig, sa mga mangkukulam at hin di tatalaban ng kanilang mga paraya.
2.       Malindatung Puti-Kapag inilaga ang kahoy na ito ay lubha raw mabisa sa mga may hapo at hika, magaling din daw pangontra sa mga lamang lupa.
3.       Pandadkaking  Itim- Ang bisa nito kung gagawing kwintas ng bata ang mga butil nito ay asahan daw na hindi tatablan ng gaway.
4.       Kahoy na namatay gawa ng baliti-kung ilalagay daw sa bibig ang piraso ng nasabing kahoy ay asahang hindi madadaig ang pagkalalaki.
5.       Kahoy na Luno- ang bisa raw nito kung nasa bibig ay dagling humihina ang kalooban ng kausap at sumasang ayon sa anumang sabihin.
6.       Makasilaw- ang bisa nito kung nasa katawan ng isang tao ay kinasusuluan ng kausap.
7.       Sinukuang Puti-mabisa raw ito pag nasa katawan at silbing mabisang baluti o makapangyarihang tagapagsanggalang.
8.       Sinukuang Itim- ang nagiingat daw   ng kahoy na ito ay asahang hindi malalapastangan o mapapangahasan.
9.       Sinukuang Pula-ito raw ay isang mabisang taga liwas at hindi ka tatamaan ng punglo ito raw ang madalas hanapin ng mga sundalo na susuong sa mga labanan.
10.   Dignum na Pula –ang nagsisipag ingat daw   ng kahoy na ito ay hindi nilalapitan ng masasamang ispirito, nakaliligtas sa mga sakuna at malayo sa panganib.
11.   Dignum na Itim- ang bisa raw naman nito kung iinumin ang pinagbabaran ay asahang makatatagal sa gutom, hindi magkakasakit at ligtas sa mga masasamang tao.
12.   Kahoy na Lunas – mabisa raw ito sa mga nakakagat ng ahas, kakayurin lang daw ang kahoy at ilagay sa parting nakagat ng ahas at ikaw ay maliligtas.
Doon po sa mga naniniwala sa mga bisa ng kahoy na nabangit panaka naka ay mayroon nadating dun sa Sinipian kung Biyernes na may dala nito mga midalyon kung minsan naman ay dyan sa bulante sa M.H. sa bayan at yun mga Ita na may dalang mga halamang gamut. May karugtong…..
 

Sunday, September 11, 2011

ISANG ARAW SA NAYON: Ika labing-limang yugto;By Bankero

ISANG ARAW SA NAYON: Ika labing-limang  yugto;By Bankero
Ipagpatuloy po natin ang naudlot na pagkukuwento ng tungkol sa mga bisa ng Mutya.
7. Ang Mutya Sa Tubig- ang bisa raw po nito ay kung ating isusubo sa bibig ay walang magagalit sa iyo at malamig ang kalooban ng sino mang makakausap. Yun daw pong mga taong  nag-iingat nito ay siyang puntahan ng mga magkatipan na nagtanan upang samahan pag-balik sa mga magulang.
8. Ang Mutya sa Lintik-ang bisa nito ay kagulatgulat daw magsalita ang taong nag-iingat ng Mutya sa Lintik, naalala ko nung may nag-aalboroto na may galas sa ibabang Lirio, may dalang itak at tinataga ang paligid ng isang bahay, nang dumating ang isang may edad ng lalaki at pagdaka ay isinigaw ang pangalan ng taong may galas, at pagkarinig nito ay parang isang malakas na kulog na nagpatahimik sa lalaking nagwawala. Ayon sa mga usisero may Mutya raw sa Lintik ang Mama na nagpatahimik.

9. Ang Mutya sa Malindatu- ang bisa nito kung nasa katawan ng isang tao ay asahan daw na ligtas sa masasamang tao, lalo na kung ikaw ay isang biyahero  ay ligtas ka sa manghaharang at mandarambong.

10. Ang Mutya sa Ulik-Bangon-ang bisa nito kung nasa isang basong tubig at ipainom sa isang may sakit o naghihingalo na ay asahan daw na agad gagaling sa karamdaman. At ito rin ang madalas pag usapan sa may barberya ni ma Hano dahil may matandang kapit bahay na oras na lang ang hinihintay sa pagpanaw  ngunit paminsan-minsan ay nakikita pa ng marami na nagwawalis pa ng harapan ng bahay, kaya ang hinala nila ay may sa Ulik-Bangon.

11. Ang Mutya ng Bungang Kalog- ang bisa raw nito kung nasa katawan nino man ay asahang hindi tatamaan kung mapalaban ng barilan.

12. Ang Mutya sa Pagong na Puti- Ang bisa raw nito kung ibababad sa tubig at ipainom ang tubig sa isang may sakit na pagkatuyo (tb) ay asahang lalakas agad ito at bubuti sa karamdaman at mabisa rin daw ipambasa ang tubig na pinagbabaran ng mutya sa pagong na puti na ipanghimas sa manok na sasabungin, sapagkat hindi ito tatablan ng tari at asahan napalagi ang panalo.

13. Ang Mutya sa Bigas- ang bisa nito , sinasabing ang may mutya raw sa bigas ay hindi karaka-raka na nagugutom  at ang isang magandang bisa pa nitoy hindi raw nauubusan ng laman ang palabigasan at palagi may nadating na pandagdag. Naalala ko tuloy yun isa naming magtatapas noon sa bukid hindi ko nakikita na may dalang maluto kahit maghapunan ang tapasin hindi kumakain. Bulong nung  aming magkakawit , balitang may mutya ang lolo nyan baka sa kanya ipinamana.

14. Ang Mutya sa Kalabaw-ang taong nag-iingat ng Mutya  sa Kalabaw ay sinasabing walang kasing lakas. Sa kwentuhan nga diyan sa bayan sa may kanto ng Aglipay yun nga raw isang barbero  ay may Mutya dahil nung kabataan, kahit pagtulungan sa awayan ay hindi nagagapi at kahit umidad na sa isang bigwas lang matipunong sa anak na may galas ay bagsak na at himbing sa higaan.

15.Ang Mutya sa Kabayo- Ang tao raw na nag-iingat nito ay mabilis sa lakaran at hindi napapagod.

16.Ang Mutya sa Nangka-ang bisa nito ,kapag ito raw ay inilagay mo sa bibig ng isang nanganganak ay walang pagsalang madalaing lalagsang ang bata at hindi maghihirap ang ina. Inabot abot ko pa ang kwentuhan ng mga ina kapag may manganganak ay ang hilot na sabi’y taga Liliw daw ang may Mutya sa Nangka kaya siyang tawagin pag may manganganak.
     May karugtong po   sa susunod na yugto.

Thursday, September 8, 2011

ISANG ARAW SA NAYON: Ikalabing-apat na yugto :By Bankero

ISANG ARAW SA NAYON: Ikalabingapat na yugto :By Bankero
Siguro hindi lingid sa inyo ang mga kwento noong una sa ating mga nayon ang tungkol sa mga Mutya , o galing ang tawag ng iba dahil talaga namang  pambihira  ang bisa. Isang matandang taga nayon ng Lasaan ang minsan ay aking nakapanayam ay totoong may ankin din namang  alam, kapag ang kalabaw mo ay nawala ay masasabi kung makukuha pa o kinarne na, ay talagang ako namay hanga. At naikwento nga ang bisa ng mga MUTYA.
1.       Mutya ng Matamis-ang bisa nito kung nasasa bibig ng isang tao ay nakahihikayat sa isang dilag o binibini kailanman at makikipag-usap dito ng nahihinggil sa pag-ibig.
2.       Mutya ng Sampalok- ang bisa nito- kapag daw nasasa bibig ng isang tao ang mutya ng sampalok  an makikipag usap ito kanino, ay asahang ito ay maglalaway sa pagkakahikayat ito raw ay isang mabisang gamit kapag umaamot ka ng magandang katatayuan sa trabaho.
3.       Mutya ng Dayap-ang bisa raw nito ay sino man ang nagiingat at lalo na kung nasa bibig, at makikita ng dalagang pinipintuho o kahit sino man na marikit na dilag ay itoy mahahalina at magiging maamo.
4.       Ang Mutya sa Alitgaptap- ang bisa nito, kung sino man daw ang nag iingat ng Mutya sa alitaptap na  may tindahan o mangangalakal ay lubhang mabili ang mga tinda at medaling makahikayat ng mga mamimili.
5.       Ang mutya sa Sahing ang bisa nito kung ikaw ay nagiingat nito ay asahang sino man ang iyong makapanayam ay asahang kawili wili ang iyong mga pangungusap at ito daw ginagamit ng mga politico.
6.       Ang Mutya sa Niyog-ang bisa nito, sino man daw na Manginginom ng alak na may mutya sa niyog, at mapalaban ng barikan ay hindi malasing- lasing lalo na kung ito ay ilalagay sa bibig, mabisa rin dadaw itong ibabad sa tubig at gawing “Agua Tiempo” ng isang may karamdaman.
Ipagpapatuloy po natin ang kwento sa susunod…….. Ang kwento pong ito ay hindi kathang isip lamang, ito po ay isang karanasan, na naririnig, nakausap at base sa mga kwento ng ating mga matatanda sa una na taga Nagcarlan, at may patunay po ang aking yumaong Lola tungkol sa isang mutya, ang mutya sa itlog, ito raw ay isang pambihirang itlog na hindi nababasag, at kapag ibinabad sa tubig at ipinainom sa manok na isasabong ay asahan na hindi ito tatablan ng tari ng kalaban kung kayat ang kanyang Amain na nag-iingat nito ay palaging may uwing sambot. Mabisa rin daw ito na inumin ng isang sundalo na mapapasabak sa   labanan at silbing kalasag na di tinatablan ng punglo o ng patalim man.

Sunday, September 4, 2011

ISANG ARAW SA NAYON: Ika labintatlong yugto ;By Bankero


ISANG ARAW SA NAYON: Ika labintatlong yugto;By Bankero
     Ayon kay Amang na aking lolo kahit noong unang panahon ay likas na mahaba sa ating bayan ang panahon ng panag- ulan, sa ganitong kadahilanan ay naroon ang panganib na matamaan ng Lintik, Elemento o matatalim na kidlat, ayon pa sa kanya mga puno o bahay na may nakatirang tuko ang madalas na tamaan nito bukod pa sa mga hayop at tao na nasa gitna ng parang kung umuulan. At upang makaiwas ka raw sa panganib ng lintik o element ay kailangan mo na kumuha ng konting suka ng sasa at suka ng niyog at paghaluin sa isang lalagyan at daladalahin kung panahon ng tag ulan at sigurado na ligtas ka.
     At kung sakali daw at ang isang tao ay tamaan ng lintik o elemento ay kaagad na buhusan ng suka upang matiyak ang kaligtasan.
     At kung ang isang tao ay nagnanais na makahuli ng element o lintik, ay ganito raw ang mga dapat gawin, kumuha ng isang palo o yanuhan ang haba na kawayan at itirik sa lugar na malayo sa kabahayan, at saka lagyan ng kawad ang nasabing dulo ng palo at ilawit ang kabilang dulo sa isang tapayan na may lamang suka, at yun daw ay mahuhuli mo ang kabagsikan ng Elemento.
     Sang ayon naman kay Anda Indo kung gusto mo raw malaman ang lagay ng panahon sa kinabukasan ay tumingala ka sa langit at pagmasdan ang mga bituin, at kung ang mga ito ay madalas ang mga pagkislap ay nangangahulugan lamang ng pag ulan at kung karaniwan lamang ay makatitiyak ka na magiinit ang panahon at ayon pa rin kay anda kung ang langit ay mabituin at maaliwalas ay tanda ng kasaganaan.
     Ayon naman kay ma Paneng nung nakasabay ko maglakad palusong kay Todas pababa sa Wakat, mabisa raw ang SIPOL kung kailangan mo ng hangin at mainit ang panahon, sa Ikasampung beses daw ay pihado ang pag ihip ng hangin. At ang sipol din daw ay mabisang pantaboy sa ahas kung ikaw ay naglalakad sa gubat o mga ilang na lugar.
     Ayon naman kay andang Pirmina na taga Santa Lucia mahalaga ang kagamitan ng Mutya at ikinuwento nya sa akin ang kagamitan nito at pabulong na sinabi pa nya kung sino ang alam nya na nangag-iingat nito. At……susunod po ang bisa ng mga MUTYA.
     

Saturday, September 3, 2011

ISANG ARAW SA NAYON; Ika labindalawang yugto; By Bankero

Ang atin pong paksa ay tunkol sa mga pang lunas na ginagamit noon at ngayon sa ating mga nayon na hangang ngayun ay nakikita pa natin ang iba sa ating bayan.
1.       Ang lunas sa kolera- ayon kay lolo Jose upang makaligtas sa kolera ang isang sangbahayan, kinakailangan humanap agad ng BALINGWAY,(isang uri ng bagin) at itoy itatali sa palibot ng bahay. At upang lalong makatiyak  na maligtas sa sakit na kolera , salot, at iba pang karamdaman na dala ng masamang hangin, ay kailangan kumuha ng luyang itim, diyamanteng hilaw, kahoy na sinukuan at malindatong itim at pagsamasamahin.
2.       Kung naghihirap sa panganganak ang isang babae- kailangan kumuha ng bagin na lumampas sa kahoy o bato at kinakailangang magbabad sa bibig ng baging nabanggit. Ayon pa kay lolo ang bagin na ito ay lubhang mabisa kung ikaw ay haharangin sa daan, at ito raw ay ginagamit sa harap ng hukuman upang makaligtas sa parusa ng batas.
3.       Mabisang gamut sa kurso- ang dahon daw ng manga, tsiko at kape, ay mabisang gamot sa nagkukurso, kumuha raw ng tig iilang dahon at ilaga at ipainom at daglian ay lunas.
4.       Ang gamut sa malaria-ang dita raw ang siyang pinaka mabisang kagamutan sa may sakit na malaria, ilaga raw ang balat nito, ayon pa sa matanda isumpit ang pinaglagaan nito at agad na huhupa ang karamdaman. At pabulong na wika ni lolo kung makakakuha ka ng tatlong dahon ng dita ay binyagan mo ito sa araw ng biyernes at mabisang tagabulag.
5.       Gamut sa kagat ng hayop na makamandag-kumuha raw ng bawang at pitpitin ng pinong pino at pagkatapos ay siyang itapat sa kinagat at kung wala namang bawang ay pwede rin daw ang katas ng sibuyas at ilagay sa bahagi na kinagat.
6.       At kung sakali naman day na sa paglalakad ay matinik ay kumuha ng luyang dilaw, dikdikin at lahukan ng konting langis ng niyog na mainit init ng kaunti at siyang ilagay sa bahagi na natinik.
7.       At kung kayo naman daw ay napasukan ng antipalo(hayop na maliit sa ulapihan)  sa inyong tainga ay agad kumuha ng isdang tuyo na maalat, at itapat sa butas ng tainga at agad ay lalabas ang nasabing hayop.
8.       At ang mabisa naman sa kagat ng ahas ay kung tawagin ay sungay ng Ulikorneo na pinakakapit sa sugat na nakagat ng ahas.
        Sa mga dating gamot na nabangit ay maaring ginagamit pa hangang sa ngayun dahil nakikita ko pa sa bulante na may tinda nito at kung Biyernes ay sa Sinipian. Ang susunod po ay tungkol sa panlaban sa Elemento o Lintik

ISANG ARAW SA NAYON: Ikalabingisang yugto; By Bankero

Karugtong ng nakaraan...
2. Ang masamang haligi- kinakailangang piliin ang mga haliging isasangkap sa isang tahanan.May mga kahoy na nagtataglay ng malalaking mata na pinamamahayan ng mga hayop na makamandag ang malalaking butas sa haligi, at tabla-suelo kung kayat hindi dapat na ito ay gamitin sapagkat ito raw ang pinagbubuhatan ng malulubhang karamdaman, kabuwisitan at kasawian sa isang tahanan.

3.Ang buwisit sa tahanan—Sinasabi ng matatanda na isang kabuwisitan sa isang tahanan ang salasalabat na sampayan. Upang maiwasan ang mga pagtatalo ng magkakasambahay ay kailangang alisin ang pahalang halang na sampayan sa loob ng isang bahay. Hindi rin daw dapat pamalagiin ang baboy at manok sa silong ng bahay at kailangang itapon ang pingan na may piraso na.

4.Ang lihim ng bundok ng Banahaw- sang ayon sa mga matatanda, ang bundok ng Banahaw ay nagtataglay ng isang lihim na kung iisipin ay lubhang nakapangingilabot sa mga taga Tayabas at taga Laguna. Ang lihim na nabanggit ay may apoy daw at lawa ng tubig ang nasabing bundok, at hindi malaon ay ibubuga ng Banahaw ang lihim na nasa loob . Ngunit pinatutunayan din daw ng ating mga nuno na bago maganap ang gayong kakilakilabot na sandali, ay maririnig muna ang malakas na hugong at mararamdaman ang tatlong sunod sunod na lindol.

5.Ang lihim ng bundok San Cristobal- Sang ayon din sa matatanda, ang nasabing lihim ng bundok ay bukod na kakaiba sa lahat. Diumano, kapag Sabado de Gloria, ay may nakikita sa taluktok ng bundok na nabangit na isang wawagawagayway na watawat, at ang watawat na itoy tinatanuran ng labindalawang taong malalaki na pawang naka uniporme. May kasunod pa sa mga sinabi ni lolo.

ISANG ARAW SA NAYON: Ikasampung yugto; By Bankero

Ayon sa matatanda noon ito ay mga bagay na dapat paniwalaan

1. LUPANG DAPAT PAGTIRIKAN NG BAHAY-marami di umano ang mga tao ang hindi nanganiniwala na dapat piliin ang pagtitirikan ng bahay, sapagkat ang hindi pagsunod sa pamahiing ito ng matatanda, ay nangangahulugan o nagbubunga ng kabuwisitan at kasawian ng namamahay. Ngunit kung susundin naman ang matandang kaugaliang ito ay umasa tayo na magbubunga ng kabutihan na siyang hagdanan upang makapanhik sa tugatog ng kapalaran.

Sang ayon daw sa karunungang lihim, ay kapalaran at kasawian lamang ang nagiging bungang hinog na naaani ng taong nangamamahay. Mabuting kapalaran ang natatamo ng namamahay kung mabuti ang pok na kinatitirikan ng kanyang tahanan. Ngunit kasawian naman ang kanyang kasasapitan kung masama ang pook na kinalalagyan. Ayon daw sa mga kurokuro . ito raw ay makatotohanan, bakit daw may ankan na nagkakahiraphirap nagkakasakit ng malubha at nangangamatay na lahat halos ang naninirahan sa iisang bahay. At bakit daw naman may mga angkan na lipos ng kahirapan na kapag lumipat sa isang tahanan ay nagiging maginhawa ang kabuhayan atnakakaiwas sa pagkakasakit at kamatayan. Ito raw ay mga pangyayaring nagpapatunay na, minsan pa, na may masamang tirik ng tahanan.

Ayon pa raw sa karunungang lihim, ang masamang pook na masamang pagtirikan ng bahay ay ang pook na may malimit na hulab. At upang malaman ang masasamang pook na di dapat pagtirkan ay kailangang gawin ang ganitong pagsubok: maghukay ng kalahating metro sa lugar na pagtitirikan ng bahay ilagay sa hukay na nabangit ang isang basong tubig bago takpan ang labi ng hukay at pabayaan sa loob ng 24 oras at buksan muli, at tingnan ang baso ng tubig kapag nabawasan daw o umunti ang laman ng baso, ibig sabihin ang lupang ito ay masama at di dapat pagtirikan ngunit kung ang tubig naman ay umawas sa baso ito ay palatandaan na dapat ito ang piliin upang pagtirikan ng bahay ng isang ankan.

2. ANG MASAMANG HALIGI- Kinakailangang piliin ang haliging isasangakap sa isang tahanan. May mga kahoy na nagtataglay ng--------Itutuloy po. Siguro po sa ngayun ay wala ng dapat piliin pang lugar at iilan na ang lugar na walang bahay.

ISANG ARAW SA NAYON: Ika siyam yugto ;By Bankero

Matatandang PAMAHIIN sa kanayunan ng Nagcarlan.
 

1. Kapag pumutak ang dumalagang manok sa hating gabi, itoy palatandaan na may magbubuntis na dalaga sa palibot o dili kaya ay may mamamatay na tao.

2. Kung sakaling aalis ang isang tao sa kaniyang bahay at hindi niya makita ang kaniyang anino, kinakailangan na huwag na siyang tumuloy sa paroroonan sapagkat tanda ng kanyang kamatayan.

3. Kapagka umungalo o umalulong ng makaatlo ang isang aso sa silong ng bahay, itoy tanda na may roon daraan na malubhang sakit sa bahay na nabanggit.

4. Alin mang bahay na inakyatan ng bayawak o dili kayay humukay ng lungga sa silong ng isang bahay ay isang tanda ng kabuwisitan,pagkakaramdam at pagkakamatay sa isang sambahayan.

5. Ang alin mang bahay na tirahan ng ahas o sawa ay palatandaan ng pagkakaroon ng magandang kapalaran ng may bahay magkakaroon ng salapi at matutubos sa kahirapan.

6. Ang bahay na hindi natapos gawin o kulang pa sa dingding at sahig, ay masamang tuluyan ng patay, sapagkat kapag tinuluyan ay magkakaroon ng mabigat na karamdaman o magkakamatay ang nakatira sa bahay.

7. Kapag parang ibinuhol o salasalabid ang uhay ng palay, itoy palatandaan na may malakas na bagyo na daraan.

8. Kung mapapatapilok ang isang tao sa kanyang paglalakad, kinakailangan lumihis ng ng daan, pagkat ang pagkakatapilok ay tanda ng kasawian, kapahamakan o sakuna sa paroroonan.

9. Kung sa katanghalian na ang araw ay nalilibot ng ng limbo, ay tanda na ang panahon ay totoong magulo, lalo nat kung sa araw ng Biyernes ay nangangahulugan na maraming mamamatay.

May karugtong. Ang iba po dito ay maaaring naririnig nyo pa o pinaniniwalaan pa sa ngayon na isa nang modernong panahon dahil ang magbubukid ay nagtetext sa celphone habang nagpapahinga sa dampa sa gitna ng tubigan.

ISANG ARAW SA NAYON: Ikawalong tagpo; By Bankero

          Karugtong ng nakaraan sa iskwelahan ko, isa isahin pa natin ang nasa labas nito, palamig na may sago, dalawang mag a ice drop na may gimmick pareho, ipapashut sa bell ang pera mo at doble ang masisipsip mo pag ikaw ay nanalo, ang isa naman ay huhulan ang taon na ginawa ang sinko mo at doble rin pag mali ang sagot dito, may sorbetes ng karpintero pwedeng palaman sa tinapay mo, habhab dyay habhab dito tulo ang sabaw hangang siko, pansit at binayo ni Bayot may tawad kapag ikay guapo. Biology ang sigaw ng kalaban nito. Teng- Teng takbuhan na tayo pilapila at pambansang awit ay kakanta na tayo, at talumpati ni Ginoong Bilog ang kasunod nito, pagkuway balikan na sa kanya kanyang kwarto, Teng teng mas masaya ito reses na, bibile ng kitse sa maestro pambayad ng tinda sa kantina na karaniwan na tsampurado at aroskaldo at may minokmok pa. ang ibay naglalaro at nagtatakutan doon sa lumang palikuran, na may nagbigti kaya may multo na white lady, ang iba ay nasa manggahan ,lumulusong sa kweba na taguan, karaniwan ang mas marame ay nag aabang ng dwende sa ilalim ng HE at nag iiwan pa sa punso ng kendy. 
          Mabait at masasaya ang mga guro sa pangaral ay talagang busog ka, at malalaman mo kung talagang magaling ka, pagkat seksyon 1 at row 1 ka pa at kung talagang mapurol at pakdol ka ay siguradong seksyon 7 at row 4 ka katabi ay basurahan pa at paboritong pagamitin ng lagadera. Teng –teng paalam guro uwian sa tanghali ito po namang si Hose hagilap agad ang gamit ng maestra at ipagbibitbit hangang kanila pagkat ang siste ay alam mo na palaging kamote at itlog ang marka niya. Kabilinbilinan ng guro diretso sa bahay, at nagpulasan na. yun aming grupo ay nagpunta muna sa aming bahay bahayan sa likod ng grade 5 sa lilalim ng mga puno ng SanJose iniwan namin ang aming gamit at sa Burobok tayo, yun iba sa Tuong tayo ang iba sa tumbang niyog ako iyan ang mga paliguan sa talahibing at kung minsan ay abot pa sa bambang ng planta. Masayang eksperiyensa wag lang mabibisto at pihadong sa opis ni Bilog ka at parusang hapon ang kapara. Ewan ko kung natitira pa ang mga lugar na ito at dahil bahagi ka nito hindi maikakaila na Nagcarlan ang Bayan mo.

ISANG ARAW SA NAYON: Ikapitong yugto; By Bankero

          Umaga na , may pritong saba saw saw sa repinadong pula, ilang subo ng kanin at dilis ay almusal na, ang Tatay ay pasaka ang nanay namay nagwawalis na. dinampot ko ang kwaderno at libro at pagpasok ay handa na ako, kinuha ko sa may batalan ang sipit na tsinelas na malapit nang mabutas ang swelas at lumarga na ako bitbit ang isang buwig na lansones na baon ko at ang singko na bagol ay nakalagay sa tenga ko, madalang pa ang sasakyan noon kaya sa kalye pa ang laruan, habang naghihintgayan ang mga kaklase sa bawat kanto, sa paglakad ko nalingunan ko ang bahay ni ma Batman abay magara ang auto sa tapat nito ay bahay naman ni ma Apoy, napamunimuni ako sana paglaki ko maging kotse ang kabayo ko,sa pagpapatuloy lumiko ako sa may Zamora naku kalye ng mga kamag-anakan ko ,abay nakahilera mga Anda, Tiyo, Tiya at iba pa, kailangan ay magmano walang ligtas ako, mano po mano po , kahit hindi naman pasko, himas lang sa ulo ang kunswelo mo.(kaawaan ka ng Diyos). Isang kanan pa ulit at tanaw na ang paaralan ko. Dinig ko na ang matinis na boses ni na Adela manga at singkamas na sawsaw sa alamang na may asin, may yambo, makopa, talang, tsesa,lipute, duhat, bayabas, nangka, atis, santol, pinya sinigwelas, guyabano, saging, kaymito,bunga ng uway at pati na hungo, lahat na yata ng prutas tinda dito.paibaba ay si Sunshine tinapay na may reno, kasunod ay si na Tiyang bunot bunot kayo, kalikot, makunat at belelekoy. Ang kasunod ay isang dampa ang tinda lang ay suka. Pagkatapos ay kay na Letty na ang abang pag bile ay kay ma Camilo at tiyak may tawad rito. At dun sa parting duyo ay amenudo at sinokmane ni na Nene. Puputulin kop o muna ang aking kwento at magtatalop muna ako ng tubo (sugar cane) na noon ang isang dipa ay singko.

ISANG ARAW SA NAYON: Ika anim na yugto: By Bankero

         Ang Pistang Bayan noon- A bente dos pa lamang abala na ang mga kamaganakan na mangagaling sa bukid may dalang BASTA BASTA na tigas na pangatong, palaspas na sumanan, NILAIB na dahon ng saging at BUNTAL ng buli pantali sa suman. Taglay na rin ang KIDKID at patpat at bao na pang KALIS .Sa bayan na ang tulog ang mangagawaan para magharap ng sinalang na suman, gumawa ng mga matamis na ube, nangka,kulongkaling, makapuno, at kundol. INIILAID na rin ang papaya na atsarahin, at panay ang PAGTATAHIP ng bigas sa bilao. A bente tres, medaling araw pay gapos na ang mga baboy sa harap ng bawat bahay sa tabi ng kalsada at halos ay sabay sabay na TINUTUDLI sa leeg, malalaman mo na agad sa mga kapit bahay kung sino ang may madaming handa at malakas ang irit sa tapat nila, LABLAB dyay lablab dine kalis ng kalis hindi MAGKAMAYAW , tulungan tunay na bayanihan. 
           Nauuna nang lutuin ang basoy at dinoguan para sa manunulungan, mula ibaba hangang ilaya tunog ng sangkalan ay silbing musika, at sagitsit ng ginigisa talaga naman UMAALIMPUYO pa. sa bandang hapon sarado na ang kalye mula Aglipay hangang Romano puno ng maninindang dayo, may Pasibatan, Pabarilan, Pashutan, Beto-beto, Palabunutan, Baklayan , Karahan, Sidera at may Manghuhula pa kadalasan, at nandun din ang mga Ita meron din silang tinda, Anting Anting, gamut sa nabales, nagayuma at sa kamandag pa. Sa may Patio ay may Sirkus tumutulay sa alambre, kumakain nag ispada at apoy, at may magic pa, iniispin ang lalake habang nakatale s umuikot na roleta, may babaing palaka, at si Mogambo ang taong kumakain ng buhay na manok nandun din ang roweda at iba pa. pagdaan mo sa labas ng simbahan na kasama kang bata agad ay may lalapit at sasabitan ang bata ng krus o litrato ng santo at sasabihin na swerte yun sa inyo sabay hingi ng bayad, tatakutin ka pa pag inalis mo mamalasin daw ang bata o may masama pa ka, kung engot ka ay siguradong bayad ka. Sa munumento ay may daga dagaan at mga binabae ang mga bida, pingan at baso pa premyo sa mga panalo. 
           Mayat maya ay may kagulo KURSUNADAHAN pa ang uso, pag may na gulpe ang bwelta nyan ang mabigat. A bente kwatro kalembang ang maririnig mo, pag dungaw mo, puno na ang tapat nyo ng sasakyan ng mga Batangenio mga NAMIMINTAKASI sa ating Patron. Naka pustura bawat tao, si lola ay suot pa hikaw na antigo, ang buhok ni lolo ay haspeng haspe, parang hinimod ng baka may pamada hangang noo at may lalawit-lawit na kerel. Handa na umistima ng darating na bisita sa may Bunsuran ng bakuran. Wala pa sa atin noon na traysikel mga galing Sta Cruz at ito ay tuwing pista, ito ay sakayan lamang ng mga bata pagpapalibot sa bayan, diyes sentimos isang ikot singko pag kalong na bata. 
          Panay ang Pasiyo ng banda ng musiko pakain mo pag tumapat sa bahay mo. Pagsapit ng hapon ang sabi ng lalaki na namista hindi masarap pag walang barek ang asawa naman ay banunot sa padala at ang mga anak ay ngunguya nguya pa. ang manunulungan ay pauwi na dala pati mantika at bahaw na natira. Pauwi na rin ang mga may panata sa paliguan at iniiwan na ang damit na pinagbihisan, paalis na rin ang mga nagtirik ng kandila at uminom ng tubig sa bukal ng San Bachoy sa likod ng Laguerta. At ito ang walang sala sinangag at samut-samut ang pagkain mo bukas ng umaga. Ewan ko kung meron pa nito ngayun kadalasan kasi catering na lang at oorder na lang ng luto na.

ISANG ARAW SA NAYON: Ikalimang yugto: By Bankero

          Sa pagpapatuloy mga ilang hakbang pay tanaw mo na ang makipot na daan patungo sa PALIGUAN sa bukana ay mga mga lansones na mapakakapal ng PURO meron nang pwedeng MAHALAW, BALHAKAN pa nga lamang ang kulay ang masarap ay kapag LUTLUT na, may nakasabit na SALIRANDANG na panakot sa kabag, maraming sanga ay DUKLAYIN, kailangan ay may lubid na BAGTING upang hindi MASAKLI ang sanga. Paglingon sa kaliwa ay Iskininata pa rin sa DUYO ay tumbok ang tindahan ni ma Badong sa Avenida, pakiwari koy si Anchor at Zardo yun DINIDIWARA si Bilay, wika baga namay si Bilay i…… ang kulay. 
          Nagpatuloy ako aba ay sa tingin koy si Anda Paula nasa may biranda naka upo sa tumbatumba na naka barot saya namamaypay ng abaniko, isang tunghay ko pay sa kasunod na ALDANA , abay napasaludo ako yuy si Kapitan may IMINOMUSTRA kay Ante UUMIS-UMIS naman si Tyo Kanor at kuya Jessi. Habang ako ay pailaya nangngamoy puto na pag PALING koy kita koy si Dasuy NAGHIHILIS ng putong item may kinayod na niyog pa at pagdakay PINUTOS na. sa patuloy koy nalampasan koy si Donya at tunay pong PUSTURANG PUSTURA at kung hidi ako nagkakamaliy pag hindi si Ediy si Tanly yuon naka puting pantalon at hapit na nik-nik. Sa pa PAG USAD USAD nasalubong koy dalawang may idad ng nangangamoy IKMO ay NAGNGANGANGA pala sabay dura sa tabi ng mamulamula, ay sa aking sapantahay itoy dayo, wika ay mawalang galang na hane, saan mayroon magtatapal dine (puntong taga BAYBAY) itong aking BILAS ay may BATI yata nakatuwan ng LAMANLUPA. 
          Ang pagkakawika koy diyan po sa ilyay sin a Pilang, sa ibabay si ma Imog, sa ibayew ay sina Angge at ma Kadyo sa silangan ay si ma Porong sa Yukos namay si ma Abreng mayroon din po sa Maiit at Sinipian, at SINAG-OY ako sa balikat at napasalamat, pumihit na pailaya. Titigil po muna tayong muli at ipagpatawad po kung nababangit ang inyong mga alyas na gusto nang burahin at yung mga pangalan ng inyong kaanak na namayapa na ang akin pong layunin ay maisalarawan duon sa iba na hindi na nakita kung ano yun mga dati pag uugali man lugar at pangyayari yuon pong payak na tanawin sa bayan at nayon natin, salamat po.

ISANG ARAW SA NAYON: Ikaapat na yugto :By Bankero

           Saglit po lamang at akuy may BABALKAN sa may kanto ng simbahan tila yata si Atorni ang natanaw ko sa may gilid ng botika may bitbit na ISTOTSE at BISTENG BISTE at pagka kway lumulan na sa otong kuba. At patuloy napo at lumantad namay magaama ni ma Tatoy nag IINGASTE ng singsing, panay naman ang kikil at pakinang ni Oca. Ayun sa kabilay kain! ang hiyaw ng miron DAMA! na ako naka PERDE si ma Celso habang UMAAMBUWANG ng paghahagok si ma Nilo sa isang sulok uusok usok pa ang sigarilyo sa SIWE .tuloy naman sa paghahasa ng LABAHA si ma Pio sa naka lawit na balat na sinturon, umupo na si Brando kapatid ni mam Pareng, at kinapahan na habang paanas na wika ni Brando GUPIT BINATA po ‘ sagot ni ma Pio’y ahit ang patilya. 
          Si ma Pamboy ay NAKAGORA isa ang nag tanong ng ganare, ay anong dumale, at ang itinugon ay are TUMPIANG na PU… trentay tres , hawak ay LASTILYAS , si Bagol naman ay nagsabe ilagay mo dyan are uno at siyete i liyabe mo sa dose, lampasan Bago at Daroy ay PALTA muna. Kubra naman ni tisoy ay banahaw wala ng nataya at palaging PURLATA. Sa pag usad Bumile pa ako ng SINUDSOD sa kasunod na pinto kay na Neri nanay ni Mokong kalaban ko ng panaan sa tubigan. Natunghayan ko rin sa paglakad koy magaama naman ni ma Dado PUMAPAGOTPOT ang trumpeta at klarenete si ma Fabian Panay ang pumyang at bumbo, kahilera ng mag utol na si Ditoy at Nonoy naron din si ma Munting Ihe ang instrumentoy mahaba pa sa kanya, panay ang ensayo at PAPASIYO sa pista. 
          Ilang hakbang pat si ma Dama ay natanaw ko sa kanto KULABO bahagya ang salamin animoy ANTIPARA umuusok pa ang tangang KUWAKO (naalala ko tuloy GAGATA KA BAGA, at may naka ULBOK sa tagiliran) KAUSTENG naman si Ka Mining at si Ma Inso namay may hawak na BALIWASNAN at nakakwintas ay BULATEHAN. Pihit ako pailaya abay may bulaklak ang halamang TALAMPUNAY lasa koy may hika itong TUKAYO ko dito sa tindahan ni na Simang, ay GAGATUNGAW ang SIWANG ng bintana, ay muntik ng mapaLIGWAK ang lambanog na IBINUBUBO sa PRASKO , may natira pa sa GATANGAN ,itiniwarik sa isang binalimbing na tagayan, wika sa bumibile na si ma Gabay, tawad na yan hijo sabay SALTIK naman sa galunan atTINUNGA na sinabayan pa ng taas ni na Simang , aba ay gumuguhit daw sa LALAUGAN (napabulong ako ano yan BATENG). At hanggang sa muli po muna mapapahaba na naman tayo hayaan muna nating makapagtanong sa mga magulang ang mga bata kung ano nga ba ito ,saan ito parang wala lang wentang wento.

ISANG ARAW SA NAYON: Ikatlong yugto na po :By Bankero


           At ayun nga po dine sa gawing GABUKAN ay NAKAHALUKIPKIP si MA Dador at may dayo ng BUTAW LASA koy si ma Karyo kasamay si kuya Tibo, yun may pabola ng BAGO sa IBAYEW nakaPAMULSA, NAGKAHEG at IPINAPIPIKA yung isay KINALISKISAN ni ma Guyeng at binitiwan na nga po malakas TUMAGA ang TALISAYIN sinabayan ng Kisi ng DALUSAPI parang KILYA yata umabot ang ATIKABO hangang sa NAKATAMBANG na PANUKSUKAN at MAYAHIN, NABURINKI sa BANKITO si Bente Uno nag aalis ng PEPITA dun sa isa. At sa karsaday NAGKAKALIPUNPON kabataang si Dudoy na BUSIG-IK ang KAPURAL papunta sa Patio magpapatayog daw ng BULADOR may gara ang GURYON ni Kiko may bubog naman ang LITENG ni Pitong Kabag, GULANDRINA ang kay Kune panay ang pahid ng bawang sa SUMBA. BAGAMAN at nagpaiwan ang ibang bata ay kase naman palay ayun sa isang silong na maagiw at nagda-DAILILAN panonood ang pinaglaban na Gagamba. 
          Abala naman sa PAGKUKUTE ang anak ni Bertong KUYAGA na naka kwintas na Tirador, abay Tres kantos ang TORUMPO Panay KUTONG na at tapyas ang kay Bulaw ang anak ni Totoy Barako. Lumingon ako sa kanan abay napapalibutan si Puroy ay siya pala ang PULE sa KARA sambit ni Islaw ay ibon! sagot naman ni Bina, tao! At sabaysabay na SALISE! Si Bertong Bikol ang nakara Panay ang HAMEG at RUMARATSADA, pahawak ng pangara ang wika ni Balot sabay dura sa semento at ikinaskas ang pangara sabay abot sa pule. Ang mga batang babae nanay nangunguha ng gumamela at pansitan .Putulin po muna natin ilan lang po yan sa mga tagpo na hindi na natin nakikita sa ngayun sa Nagkarlan at maaring walang malay ang mga kabataan kung ano nga ba ito. May karugtong po.

ISANG ARAW SA NAYON : Ikalawang Yugto By Bankero

Maaga ang gising ko kahit puyat, NAENGANYONG SUMILAY sa DAGA DAGAAN dun sa peryahan kagabi Masaya at may KAKAPUDYOT naman na SARSUWELA ang mga binabae at inabot pa ng LUROK ng ulan NAPATILAKBAW ako kangina sa higaan , pagkat salimbayan sa kalye ang hiyaw ng maglalako ng tinapay at sinabayan pa ng PAGASPAS ng tumitilaok na tandang , ang sigaw ni ma Usoy ay hoy tinapay sa Pito at at sinagot naman ni ma Dyunyor ng hoy tinapay sa Tano at sumagot din si ma Igmeng Panas ay halos ay ungol na lamang, Bonete, Pandetubo at Panderasyon ang SUNONG sa BAKOL. 
          Himbing pa sa ALUYAN si bunso si Inay namay may sinangag na, naulinigang kong NAG PIPIPE ng kinula na PINASERENUHAN kagabi, si ama namay INILALAG-IT sa hasaan ang kanyang KAMPITAN pagkakway nakita kong sumandok sa palayok ng SINAHAANG PALOS na huli sa PANUNULO (PANGINGILAW) wika nyay Utoy may Tabliya diyan sa BATIDOR , akiy areng kapeng barako na may repinadong pula. Sarap kahit pingan ay LOSA at sa sahig na kawayan palupagi kung kumain, hum may PAKASAM pa na LABONG at inihaw na KABASE. Putok na ang araw NABABANAG na sa gawing silangan. Pasaka na naman ako, kinuha ko na sa KABALYARISA si Bruna, abay mahaba na pala ang KAMAROTE abot na sa mata, ay makahiram nga ng gunting kay ma Hano at magapasan nga mamaya, baka itoy magka-MUTHALA, at hinimas ko ng iskuba abay ma-KALMADURA kulang sa paligo. 
          Nakahanda na sa dahon ng saging ang aking MALUTO ulam koy pritong itlog at SINALAB na hito, tira kagabi, inilagay ko sa BANGKEL ang aking BINAKUKO at PISAW isinuot ko ay BASTIPOL para na rin itong salakot. Ay Nay Tay ako puy sasaka na , si tatay lang ang sumagot, ang winikay ‘ang Ina moy nasa MERKADO na NAMAMARIAN ng ulam na dadalhin sa SOSYO (Bayanihan) sa Bangkatan. At akuy lumarga na kumaway na lamang ako kay Anda na may hawak na UYO at APUYAN . Sa Lirio ang daan ko pailaya sa tapat ng simbahan akoy nag antanda, abay may NANANAMBITAN ,ang sabi baga naman sa nasa gitna ng apat na kandilay “Ay Kadyo ang paalam moy ikay pagugupet lamang ayat ikay umuwi ay hinde ka pa gupet” at sabay subo ng tinapay na binaraha sabay higop ng malamig na kape. Dinig kuy NABULID daw sa kung saan. Ho ho sumandali ay tumigil muna ako dine sa tapat nila Kumander Liwayway at baka sakaling Makasilay sa aking Nililiyag at sumenyas ako ay ganire puko ang aming usapan (yuhuhuho yuhuhuho tatlong beses) at ayun sabi ko nay at ayun pinabaunan nga ako ng ngiti ay parang isang KUDYAPI sa aking guniguni abay ganun talaga pag may nililiyag. 
          Wey kinanti ko ng lubid ang pige ni bruna at humayo na, abay maraming kabayo dine may Baya, Alasan, Mohino, at Kastanyo abay kilala ko ito sa kaiskwela ko na si Lumot bakalan pala dine ni ma Minandro at dun nman sa kabilay. Dito lang po muna ulit tayo at may k

ISANG ARAW SA NAYON : By Bankero

          Katatapos lang MAGPANYOG ang lahat ay NAGHAWIT ng ilang kabuo na dala sa BALAGWITAN mga TUBUAN na lang na MAKAPUNUAN ang natira nahakot na lahat nabaak at naisalang na sa KALIBKIBAN ginatungan ko ng dalawang PAURONG kasama ang isang putol na TUOD, PAGKAKUWAY pumakanluran ako para MAG-ULA ng kabayo. Pagbalik ko ‘aba luto na agad kumuha ako ng kalibkib na alangan NILUKAD ko at ayos na minindal . Ay balik na naman ako kinuha ko na sa sugahan ang aking si Bruna kagyat ay aking BINASTUNAN at INAYUBO ko ANG PANGGABAY bago Isabit ang BAKID at SINAPNAN ng lunang de banda, handa na ako PANANAKATE suot ko na ang aking SAMBALILO na de PALDIYAS at nagbaon pa ako ng isang mura na KALUMBAHIN , ‘teka may NAKAPANGUMPAY na pala sa may INLULUPES sa Labangan na lang ako DADAKO ‘ at habang tinatahak ko ang SIWAYAN ng daang nayon napalihis ako sa isang SANOG aba MATANG BILOT PA ANG TUBIG aba e kulimlim e hinde naman madag-em NAKAYUNGAYUNG kasi ay tatlong puno ayun puno ng PUGAHAN , DAPDAP at aba ey KALUMPIT madaming laglag MALAMANG na SINABO ng MAPULON kagabi , namulot ako ng KAINAMAN lamang may MAKUKULUNGGO , kumuha ako ng BINGABING na pambalot abay NAKASUMPONG naman ako ng kabuting dumagat tinuhog ko ang iba sa NITO at ang ibay PINUTOS ko na lang sa HAGIKHIK. 
          Sakay na ulit ako kay Bruna malakas ang HINGASING alam ko na malapit na kami sa PASO , ALAW kasi eto sa PALTAKAN, may NASIGLAWAN pa ako na HINLULUMBO at HIMAMAKAL sayang at ako namay walang malay sa PAGDAWA. Ay inang ey ULYABID lang pala inaki ko ay APANAS na ang NAKAAYUKAD sa BANGYASAN ng aking BAKIRAN , ng di KAWASAY may naamoy ako na amoy ATANGYA inang tikbalang naku ey nandito na pala ako sa tapat ng MADAWAG na puno ng PAHOHUTAN kaagad ay binaliktad ko ang aking suot kinuha ko ang aking MISKET na MALUTUAN inilagay ko ang aking mga SINSILYO may BAGOL at MAMERA pati na ang aking KALMEN na TRESPIKO na nasa aking DELIROS naka BALISUSO pa sa aking panyolito walang HABAS ko itong KINALANTOG at pagkakwan namay naglaho na ang amoy malapit na ako sa daang TIPAS ang katabi ay DUMINDING, NAKAKASAWAN lumusong matarik ang DAHILIG , PIHO ko isang DUPILAS lang PUTOT areng si Bruna ko , abay tunay kang NANGUNYAPIT ako sa mga ugat ng TIBIG, ay salamat narating ko rin ang LABAK , NABUNGARAN ko ang isang HUMAHAGUNOT na bisiro , abay Labangan na ito bahay ito ng kapatid ang aking ka iskwela na si Nita , itoy may dingding na SASAG at SINALA. 
          Tanaw ko na ang KATUBIGANAN at ang bayabasan na daraanan abay bale hitik sa bunga, nahirati ako na DUMAPLAS sa isang puno, aray ko Dyosme may AMIMIGTAS, nakow may TIKWAS, AT GUYAM AY LIRO-LIRO PA at AMPANAS may pahabol pang ATUNGIL bukod pa sa bahay ng LUKOT at tatayon tayon na NIPAY mabuti at walang ULANDES, KWITIB AT HANTEK BALOG. Naraanan ko ang mga NAGSISIGAMA sa tubigan. Pag lapag ko kay Bruna ay NAG-UTAY-UTAY na akong mangumpay, tinalian ko ng GALTANG ang sakate ang ibay isinako at pamatong tinahi ko na lang ng BANIL ng dahon ng niyog at pa larga na ako umuwi kinalas ko PAGKAKAPUGAL ang renda sa sanga ng TAKIP ASIN. Ayos SUMUNO na ulit ako kay Bruna habang daan malapit na s alibis ng nayon abay may HUMIYAW ‘daan muna ‘t makainom aba ay si pinsan Rey ata , ay di lapag naman ako’t lumapit pagdakay inariya ang poso inakoy nakasahod ang GALONG ay BIRUIN MOY tubig naman pala ay SAPANTAHA koy makakabarek na ,ay di hulong na ulit ay namataan naman ako ni Ma Mino abay may hilig sa paghahalaman abay wikay daan muna utoy ay di binaltak ko ang aking arinda bahagya kong pinitik patabi at lalampas si ma Berting Lakatan hila sa PANGILONG ang kalabaw may hilang PARAGOS , tingin koy TAAD ,at LIMA-LIMA ang karga maroon pang PINILON na ANONAS at TALANG itatanim daw sa may LATIAN, inabutan ako nag isang tali ng paayap na inarawaraw at sitaw na kulay granate ay salamat po ka Mino ang sambit ko at akoy hahayo na sabay sipol at ALINGAHIT kasi ang panahon ,hiya at malayo pa tayo bulong ko sa kabayo abay anyun na nman kaya NAGKIKINULO ang mga BINATILYO sa may sapa alahoy ay NAGPAPAKATE, MINTUIN mo pukoy ipinagsilid ako ng hito sa TIGAD na halos hangang BILIT ng GALAW at ang wikay iyan ang iyong kapartida, abay sadyang KINAKASIHAN ako ng bwenas ay maka pang LINSAN ng dalawang kabuo panggata. Ay daplang na ulit ako sa BALUGBOG ng kabayo nakaekis pa ang binte sa leeg ni Bruna matulin ang IMBAY hindi ako aabutin ng TAKIP SILIM sa daan. 
           Ayan patawid na agad ako sa ibaba ng KIPOT sa LAGASLASAN sa Bankuro , tanaw ko na ang PALOOB na aking kana nakataas pa ang BAHI na PANADLAK tanaw ko rin ang BAWIG ng aking mga PAKTAW ay kwan ay di ko pa nga rin NAPAPANDAW ang LABAYAN ay baka may huley wala nman akong dalang SAPYAW at BARSELONA di kakayanin ng TIKSAL at maliit ang TUNOD. A dun din ako madalas DAWIHIN sa pamimiwas. At dito sa ilalim naman ng mga LAGPOK at BUGOS ay aking kabitan ng SAGAD , NILALAN AT KULOLKULO ang madalas na huli ko . kitam Talangan na tapat na ni Ma Miroy ayan mga kinayas na BAMBAN at TAYWANAK, mga BASKAGAN nalimutan na sa bilaran, abay may nakahapay na saging na INUGAOG hinog na matikman nga isang GAMA abay lasang saba na BININDISYON lang. Patuloy ako tapat na ng daan pa Tipakan anu yun ay may nakapatse sa pinto ng KAMALIG nila Kram anunsyo ng sayawan sa Bayakitos ay tunay kang NAPA MUNEMUNE agad ako, ay HAPITAN piho pag na andun ang mga taga IRLAZ . 
          Ay husay mapapasabak na naman ang aking BALAGBAGAN na tshirt at bellbottom na double knit maige at NAALMIROL na ISTRAHIN na lamang at ayos yon sa PRINSA na ang patongan ay LAYENG. KABAGYA akong NAGULANTANG may bigla na lamang BUMAGTAS sa aking landas dalawang lalaking TALUBATA parehong PISIGAN abay SINUMBI yun una uy BINEGWASAN na man ang huli, NAGBABAG ang MAGKUNYADO ay abay MANTAKIN mo namay sanhi laang sa TIKAS-TIKAS at TIGBE, ay tunay kang aking NAPAGWIKAAN aba naku namay TABI SA KALULUWAY DALAWANG kalabaw ang NAGPAPANUAG abay totoong SANG BAAS ang amos, ay wag kayong magkakawikaan mga amang ay kapwa kayo walang PAKUNDANGAN , ang maige pay maglaro na lang kayo ng TUPO o TUMBANG PRESO at hindi yang kayoy LAGUMBAHAN. Ay nakow nasa likoran ko palay si ma Pidrong Kulaloy’ ay ka Indo kilala nyo ba areng mga are kako’ ang sagot namay ‘ay uo mga anak iyan ng aking DAGAHIN na si ka Angge MAG IILO nung araw asaway si Adyong Bulok na kapatid naman ni ka Juseng Kulane. Pagkawika nooy DAGONOS naman palayo ang dalawang paslit ang isay naka TAYAKAD at isa namay naka TIMBAO. 
          Akoy napaanas ng ganare HAMIT ay UBOD NAMAN NG DANGINGE itong si Temoy ito naming si Pidiong kainamang mang ANDIRA. Ay salamat sa Diyos San Ignacio San Fernando San Roque San Isidro San Raphael sa maluwalhating paglalakbay. Bayan na INAWASAN ko na si Bruna abay ey NAKUPE , PAGAL na kasi ang TIMANO’y kinuha ko na ang SINTANG, HUMAGIMO ako ng isang PITES na mais sa TUPAK at pagdakay aking PINULUTAN , Panay pa ang SIKAD at nasundan kami ng PALANGAT. Ay sa wakas pwede ng mapabarek , IHAHAYANG ko lamang areng mga gulay at baka MALAGIBAS at itong bilin ni na Takyang magtatapal ops dahon ng ALAGAW, TAKIP SUSO, TAGHIWALAY, TUBANG BAKOD at areng SAHENG ay abay parang TUGASYANG na yata eto dito na lang sa tabi ng ABOHAN sa may HIHEP AT SIPET. Sumilip naman ako sa may PONDAHAN ni ma Pulo abay nagbabarekan ang barkada halos takip na ang BARAKA abay may SINUAM na BAKLE, SUSUWI (PATLAY) AT TERENO sabiy nang BAYATE raw si Putok, Usok at namante naman sina Adubo at Balot.

           Dito na lang po muna tayo , ito po ay aking nilikha para maibahagi sa inyo ang aking payak na karanasan sa nayon na bahagi ng Kultura ng Nagcarlan, maari pon a bihira na nating madinig, makita, o madama ang iba dito o hindi lang natin alam na kaya tayo ay taga Nagcarlan ay gawa nito. Hangang sa susunod na araw sa nayon. (Paumanhin po sa mga may ari ng alyas)